Kulong ang 32-anyos na guro sa isinagawang drug buy-bust operation sa Barangay Sta. Cruz, Ballesteros, Cagayan.
Sa direktiba ni Regional Director Gil Cesario Castro ng Philippines Drugs Enforcement Agency o PDEA Region 02 sa isinagawang operasyon 4:35 ng hapon  nahuli ang suspek nang magbenta ng droga sa kinilala sa alyas na “MJ” na droga sa isang undercover operative.
Nasamsam mula sa suspek ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting mala-kristal na shabu na may tinatayang bigat na limang gramo at standard drug price na nasa P34,000. Nakuha rin ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.
Nahaharap ang nasabing guro sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 

Share.
Exit mobile version