Kulong ang 32-anyos na guro sa isinagawang drug buy-bust operation sa Barangay Sta. Cruz, Ballesteros, Cagayan.
Sa direktiba ni Regional Director Gil Cesario Castro ng Philippines Drugs Enforcement Agency o PDEA Region 02 sa isinagawang operasyon 4:35 ng hapon nahuli ang suspek nang magbenta ng droga sa kinilala sa alyas na “MJ” na droga sa isang undercover operative.
Nasamsam mula sa suspek ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting mala-kristal na shabu na may tinatayang bigat na limang gramo at standard drug price na nasa P34,000. Nakuha rin ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.
Nahaharap ang nasabing guro sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Trending
- Donovan Mitchell lumagda ng $273M max extension sa Cavaliers
- Alex Eala sasabak sa Mubadala DC Open
- Ryan Bang namigay ng tig-P100K sa PA, driver
- Alex, ibinuking na niligawan nina JLC at Papa P
- ‘Paglalandi’ ni Paolo sa beauty contestant, binisto
- Bonoan, ibinalik sa PNP General Hospital
- Titser, sumideline sa patulak ng droga
- Parak todas sa drug ops sa Cavite
