Naaresto ng mga awtoridad ang Top 1 Most Wanted Person ng La Loma Police Station 1, sa isinagawang manhunt operation sa Brgy. Poblacion, Norzagaray, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Ayon sa ulat ni PMajor Demosthenes G. Desidirio Jr., officer-in-charge ng Norzagaray MPS, matagumpay na naaresto ang wanted person na kinilalang si alyas “Goku,” 26 taong gulang at residente ng Sitio Compra, Brgy. San Mateo, Norzagaray, Bulacan, bandang alas-6:45 ng gabi.

Ang pagkakaaresto ay isinagawa ng Tracker Team ng Norzagaray MPS, sa pangunguna ni PCpt Ericson O Cruz, katuwang ang mga tauhan ng La Loma Police Station 1, sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, National Capital Judicial Region, Branch 230, Quezon City, noong Agosto 24, 20.

Ang nasabing warrant ay may kaugnayan sa kasong Murder na may rekomendasyon na walang piyansa (no bail recommended).

Ang naarestong indibidwal ay kasalukuyang nasa kustodiya ng La Loma Police Station 1 para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon bago ang kanyang pagharap sa korte na nag-isyu ng warrant of arrest, alinsunod sa umiiral na mga proseso at batas.

Muling binigyang diin ni PCol Jay B Baybayan, acting provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, patuloy na pinaiigting ng Bulacan PPO ang manhunt operations at pagpapatupad ng mga warrant of arrest laban sa mga wanted person bilang bahagi ng mas pinaigting mamamayan na kampanya laban sa kriminalidad, upang matiyak na ang mga lumalabag sa batas ay mapapanagot at mapanatili ang kapayapaan, kaayusan sa buong buo.(DG)

Share.
Exit mobile version