Matagumpay na natapos ng Oklahoma City Thunder ang kanilang 2024-2025 NBA season na mayroong bitbit na kampeonato.

Pinabagsak ng Thunder ang Indiana Pacers sa Game 7 upang masungkit ang korona, 103-91.

Ito ang kauna-unahang kampeonato ng Thunder magmula nang mabuo ang kanilang koponan sa NBA.

Nanguna naman sa panalo si Shai Gilgeous-Alexander na mayroong double-double performance, 29 puntos, 12 assists at limang rebounds.

Hinirang din na NBA Finals MVP si Gilgeous-Alexander.

Bago maging Finals MVP, nasungkit din ni Gilgeous-Alexander ang 2025 NBA MVP award.

Share.