Pinagbigyan ng Manila Regional Trial Court Branch 30 ang kahilingan ni dating Ako Bicol Party-list Rep Arnolfo Teves Jr., na makapagpiyansa kasama ang dalawa niyang kapwa akusado kaugnay sa kinakaharap nilang kaso.
Batay sa 27 pahinang resolution na sinulat ng Presiding Judge Ryan Philippine L.Bartolome pinayagan na makapagpiyansa si Teves ng P500,000 habang tig-P250,000 naman kina Cuadra at Pinili.
Itinuturing ang tatlong akusado na nasa likod nang pagpaslang kay Pacito Libro noong Hunyo 23,2019 habang minamaneho ni Libron ang kanyang motorsiklo sa National Road sa Bayawan City kung saan siya pinagbabawal hanggang sa mamatay.
Sinasabing hit man at bodyguards ni Teves si Libron at kinasuhan sila ng murder sa RTC Manila.
Bukod sa kinakaharap na kasong murder, may iba pang kasong kriminal si Teves na nakabinbin sa mababang hukuman tulad ng Illegal possession of firearms and explosives, paglabag sa terorismo Financial Prevention and Suspension Act.
Una na ring pinawalang-sala si Teves ng isang sala sa Manila RTC sa kasong murder nang tanggapin ang inihaing murder to evidence.

Share.
Exit mobile version