Lumikha ng ingay ang inilabas na teaser ng Viva tungkol sa reunion ng Viva Hot Babes.
May caption kasi itong: “Reunion? Ano tara!”
May silhouette ito na pitong babae.
Ang nasabing all-girl group na itinatag ng Viva Entertainment ay sumikat noong 2003.
If ever, ang Viva Artists Agency ang producer ng reunion concert.
So, anong hint ang magpapatunay na tuloy na nga ang pagtatanghal?
Ang giveaway ay ang ox-eye daisy flower na ginamit noon sa cover ng album ng Viva Hot Babes.
Sila kasi ang nagpasikat ng awiting Bulaklak— likha ni Lito Camo.
Na-inspire kasi ang grupo sa naging reunion concert ng Sex Bomb Dancers noong December 4, 2025.
Pero noong February 14, 2026 ay itinanggi ni Katya Santos na magkakaroon sila ng reunion concert.
Bukod kay Katya, ang Viva Hot Babes ay binubuo nina Maui Taylor, Myles Hernandez, Sheree, Gwen Garci, Kristina Jaca, Jen Rosendahl at Andrea del Rosario.
Kung kailan at saan ang kanilang reunion concert ay wala pang detalye.
====
Trending
- Frank Lao, bagong pangulo ng PNVF
- Beermen tinambakan ang Macau 131-79
- Bianca ‘chill’ lang sa cheating confession ni Ruru
- Kris Aquino todo-tiis sa sakit para sa showbiz comeback
- Teaser ng Viva Hot Babes, lumikha ng ingay
- 100m porsyon ng dike sa Pampanga, gumuho
- 5 estudyante nasawi sa landslide sa Baguio – DepEd
- 10 na nasawi sa landslide sa Baguio City; mga nawawala, na-recover na
