UMABOT sa 34 pamilya ang nawalan ng tirahan habang 15 residente ang sugatan sa sunog na tumupok sa may 70 bahay sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Nagsimula ang sunog sa isang bahay sa Brgy. 160 East Libis, Baesa, dakong alas-10:35 ng gabi sa hindi pa matukoy na dahilan na mabilis kumalat sa mga kahabayan na karamihan ay pawang mga gawa lamang sa kahoy.
Aminado ang Caloocan Burau of Fire Protection (BFP) na nahirapan sila sa pag-apula kaagad ng apoy dahil hindi makapasok ang mga firetruck sa maliit na lansangan.
Umabot sa ikalawang alarma bago na-kontrol ng mga bumbero dakong alas-12:41 ng madaling araw ng Linggo.
Nanunuluyan sa covered court ng Brgy. 160 ang apektadong pamilya pero wala naman napaulat na nasawi sa sunog na tumupok sa tinatayang P500,000.00 halaga ng mga ari-arian habang inaalam pa ang pinagmulan ng nito.
Trending
- 2 TULAK TIKLO
- ALCANTARA NAGTATWA
- Alex Eala nagmarka sa Kasaysayan!
- UP Campus, Kampeon sa Chess sa Quezon City
- EFREN “BATA” REYES YALIN 10-BAll: GALLITO KAMPEON
- SUBSTANDARD SOLAR LIGHTS AT PANELS NASAMSAM SA BULACAN
- TIANGCO TO ABANTE: DON’T SPREAD FAKE NEWS TO DEFEND ZALDY CO
- Produktong Bulacan bida sa ‘Tatak Singkaban Trade Fair’