Nakapagtala ng malaking pagtaas sa sulfur dioxide emissions ang Bulkang Taal, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Biyernes, Mayo 8.
Sa pinakahuling 24-hour monitoring report, sinabi ng Phivolcs na nagbuga ang bulkan ng 653 metric tons ng sulfur dioxide nitong Huwebes na doble sa 308 metric tons na naitala sa nakalipas na araw.
Nagbuga rin ang bulkan ng plumes na umabot sa 600 metro ang taas bagamat ito ay ikinokonsidera pang “weak emission.”
Mula Mayo 5 hanggang 7 ay nakapagtala ang Bulkang Taal ng 22 volcanic earthquakes, mas mataas sa 20 na naitala noong Mayo 4.
Ipinaliwanag ng PHIVOLCS na ang volcanic earthquakes ay dulot ng magmatic o magma-related processes sa bulkan.
Nananatili ang Alert Level 1 na babala sa Bulkang Taal.
Trending
- Lacson umaray sa banat na nadobleng yaman
- ‘Forgiveness clause’ sa rape cases sa Penal Code, ipinatatanggal
- Beripikasyon ng DPWH sa Taguig, kinuwestiyon
- China kinondena sa Senado vs pananakit sa PN personnel sa Ayungin Shoal
- Pasay LGU ‘highly-compliant’ sa 2025 Manila Bay Clean-up
- P85 wage hike sa NCR walang suspensyon, tuloy-tuloy
- Marcoleta hiniling makaboto sa impeachment
- Salceda, itinalagang Kalihim ng PLLO
