Aminado si Sue Ramirez na nasa stage sila ngayon ng nobyong si Dominique Roque kung saan tinutuklas pa nila nang lubusan ang isa’t isa.
But so far, higit pa nga sa smooth-sailing ang itinatakbo ng kanilang relasyon.
Kung tutuusin, hindi pa gaanong katagalan what stands between them.
At one point ba’y napag-uusapan ba nila ni Dom ang kasal?
Ani Sue, hindi sa seryosong lebel, bagama’t husband material ang tingin niya sa nobyo.
“He takes care of me, eh, parang I’ve never been treated this way in the past!”
Ang isang ikinabilib din niya kay Dom ay ang endearing qualities nito—dahilan para boto ang mga magulang ni Sue sa kanya.
Mapagmahal din daw kasi si Dom sa kanyang sariling parents.
Samantala, may pagkakataon din daw that she and Dom get to talk about their respective exes.
Tiyak daw siya na masaya na ngayon ang ex-girlfriend nitong si Bea Alonzo.
Speaking of whom, open ba si Sue to working with Bea anew?
Nagkasama sina Bea at Sue sa pelikulang A Second Chance noong 2015, with John Lloyd Cruz in the cast.
“Oo naman! Wala na sa akin ’yon, and I’m sure, wala na rin kay Bea.
“After all, masaya na kami lahat,” tugon niya.
In effect, Sue is putting the blame on other people who are making a big fuss out of a supposed non-issue.

Share.
Exit mobile version