Tumanggi ang Senado na tanggapin ang subpoena na inisyu para sa CCTV footage ng shooting incident, ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla nitong Sabado, Mayo 16.
“Nagkakaproblema ha. ‘Yung aming process server, ayaw tanggapin sa Senate,” sinabi ni Remulla sa panayam sa radyo.
“Pero may notice na eh. Sinabi nga ni Alan Cayetano dapat i-charge din si Matibag. Ibig sabihin alam na nila na meron talaga silang suspension na,” dagdag pa.
“Pero ayaw nilang tanggapin. ‘Di ko sila naintindihan. Kasi sa akin considered served na ‘yan ‘pag hindi nila tinanggap.”
Matatandaan na inilagay ng Ombudsman si acting Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca sa anim na buwang preventive suspension nang walang sahod dahil sa paglalabas ng armas na nauwi sa barilan sa Senado noong Miyerkules, Mayo 13.
Ani Remulla, kailangan ang suspensyon para sa imbestigasyon ng Ombudsman.
Inamin naman ni Aplasca na siya ang unang nagpaputok laban sa mga ahente ng National Bureau of Investigation na nasa GSIS building malapit sa Senado.
Ayon sa Ombudsman nitong Biyernes, nag-isyu na ng subpoena para sa CCTV footage ng Senado.
“Ayaw tanggapin. ‘Yan nga ang problema. Look at the attitude. Sergeant-at-Arms ‘yan… Security guard ng Senate ‘yan. Ang trabaho niyan is to secure the Senate and make sure the rules are followed,” ayon kay Remulla.
“Para mag-warning shot ka sa law enforcement, you think that you are above the law. Nobody is above the law, I’m sorry,” dagdag pa.
====

Share.
Exit mobile version