Inanunsyo ng Iran na muli umano nitong isinara ang Strait of Hormuz dahil sa mga pag-atake ng Israel sa Lebanon.
Ito ay kasabay ng paghahanda ng Iranian at US negotiators ng pag-uusap sa Switzerland para sa kasunduan na tapusin na ang giyera sa Middle East.
Itinakda ang follow-up negotiations nitong Biyernes ngunit ipinagpaliban matapos na magkasa ng strike ang Israel sa Lebanon kung saan apat na sundalo ang nasawi rito.
Tinukoy ng central military command ng Iran ang “breach of contract” ng US at “the Zionist regime’s continuous and relentless violation of the ceasefire in southern Lebanon that the Strait of Hormuz will be closed to vessel traffic”.
Nagbabala ang Revolutionary Guards’ naval force sa mga barko na huwag lumapit sa Strait of Hormuz “otherwise, their security will be jeopardized”.
Kamakailan ay pumayag ang Iran na muling buksan ang Strait of Hormuz kasunod ng kasunduan na pinirmahan nina President Donald Trump at Iranian counterpart nito na si Masoud Pezeshkian, noong nakaraang linggo.
Trending
- Banat ng mga kritiko, sinagot ni Knicks star Brunson
- Pag-congratulate ni Bianca kay SP Gatchalian, binarag
- Ogie, atat nang magka-apo kay Leila
- Nadia, HS grad @ 54
- Mga aral mula sa amang si Marcos Sr. inalala ni PBBM
- PPCRV kailangan ng 30K volunteers sa Bangsamoro polls
- Strait of Hormuz sarado ulit – Iran
- Pagbagsak ng presyo ng langis, sa US-Iran Agreement
