Inatasan ni Diocese of Kalibo Bishop Cyril Villareal ang lahat ng may hawak ng katungkulan sa simbahan na ipagpatuloy ang kanilang mga tungkulin.
Kasabay ito ng pagtiyak ng Obispo na magpapatuloy ang pamamahala at paglilingkod para sa pastoral na pangangailangan ng diyosesis sa pamamagitan ng isang opisyal na kautusan ng kanyang pag-upo bilang ikalimang obispo ng Kalibo.
Binibigyang-diin ng kautusan na nanatiling epekto ang naturang direktiba kaagad at magpapatuloy hanggang sa ito ay bawiin ng Obispo o ng kanyang magiging kahalili.
Layunin ng hakbang na matiyak ang kaaysuan,katatagan at tuloy-tuloy na paglilingkod ng Simbahan sa mga mananampalataya ng Aklan partikular sa mahigit kalahating milyong Katoliko.
Hiling ng Obispo ang patuloy na panalangin para sa katatagan upang maisakatuparan ang kanyang misyon bilang pastol ng diyosesis.
Trending
- 2 kelot nanugod na may kasamang pagbabanta sa isang bahay
- 2 sales agent hinoldap na, pinatay pa
- 12 katao, patay sa dengue sa Quezon City
- DOJ: Leviste, iba pa inireklamo ng DOE
- NBI dumepensa sa pekeng “marked money”
- NBI, mag-a-apply ng cyber warrant
- Larawan ng 4 ‘bigtime’ most wanted sa Bulacan
- ‘Killer’ ng 14 sundalo, arestado sa Quirino
