tesssssstt

Isang resolusyon ang inihain sa Kamara de Representantes na naglalayong suspendihin ang pagtataas ng contribution rate ng Social Security System (SSS) na sisimulang ipatupad ngayong buwan.
Inihain ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ang House Resolution 2161 noong Huwebes kung saan hiniling din nito sa SSS na isapubliko kung magkano ang suweldo at mga bonus ang natanggap ng kanilang mga opisyal.
Ayon kay Rodriguez ang dagdag na 1% sa contribution rate ay makadaragdag sa pasanin ng mga empleyado sa pribadong sektor na nahihirapan na sa taas ng presyo ng mga bilihin.
Sinabi ng mambabatas na bago magtaas ng singil ang dapat gawin ng SSS ay pagandahin ang pangongolekta nito.
“The (COA) audit report shows that only P4.581 billion was collection, which is only around 4.89 percent of the established collectibles of P93.747 billion for 2023,” punto ni Rodriguez.
Sa ilalim ng Social Security Act of 2018 *Republic Act 11199) ang premium contribution ay itataas sa 12% noong 2019, itataas sa 13% noong 2021, gagawing 14% noong 2023 at 15% ngayong taon.
Sa pagtataas ngayong taon, ang employer ang sasalo sa 10% at sa empleyado kakaltasin ang 5%.
“There is growing opposition to the scheduled increase in consideration of the current economic situation in the Philippines,” sabi ni Rodriguez sa resolusyon. “Higher inflation can lead to a loss of purchasing power and increasing SSS contributions will be an additional financial burden especially to employees.”
Ipinunto ni Rodriguez na noong 2023 ang net income ng SSS ay P83.13 bilyon mas mataas sa target nitong P51.06 bilyon.

Share.