Nasawi ang limang katao, kabilang ang dalawang bata, at 22 ang sugatan nang tumaob ang isang six-wheel truck na may sakay na 39 pasahero sa kalsada sa Sitio Guay, Barangay Poblacion, nitong Huwebes ng umaga, Mayo 27.
Kabilang sa mga nasawi ang isang tatlong taong gulang na batang lalaki, 11 taong gulang na batang lalaki, isang 49-anyos na lalaki, at dalawang adultong lalaki na hindi pa kumpirmado ang pagkakakilanlan.
Sampung pasahero ang nagtamo ng malubhang pinsala tulad ng head trauma at bali ng buto at dinala sa Dennis Molintas District Hospital sa Bokod, Benguet.
Labindalawa pang pasahero, kabilang ang driver, ang nasugatan nang bahagya at ginamot sa Kabayan Rural Health Unit, habang 12 iba pa ang hindi nasaktan at pansamantalang isinilong sa mga lokal na pasilidad.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol ang sasakyan dahil sa pinaghihinalaang mechanical failure habang binabagtas ang pababang kurbadang bahagi ng Congressman Andres Acop Cosalan National Road.
Sa report, galing sa Sitio Ambacbac sa Barangay Lukib, Bauko, Mountain Province ang trak. Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.
Trending
- Lacson umaray sa banat na nadobleng yaman
- ‘Forgiveness clause’ sa rape cases sa Penal Code, ipinatatanggal
- Beripikasyon ng DPWH sa Taguig, kinuwestiyon
- China kinondena sa Senado vs pananakit sa PN personnel sa Ayungin Shoal
- Pasay LGU ‘highly-compliant’ sa 2025 Manila Bay Clean-up
- P85 wage hike sa NCR walang suspensyon, tuloy-tuloy
- Marcoleta hiniling makaboto sa impeachment
- Salceda, itinalagang Kalihim ng PLLO
