Nakatakdang magtipon ang Senado bilang impeachment court sa Mayo 13 (Miyerkoles) kapag natanggap na nila ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte sa Martes, Mayo 12.
Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, makatuwiran umano sa Senado na aksyunan agad ito sa oras na matanggap nila ang impeachment complaint laban sa Bise Presidente.
Inaasahang maisasampa sa Senado ang impeachment case sa susunod na linggo matapos ang pormal na botohan nito sa sa Kamara sa Lunes, Mayo 11.
“Ini-expect ko na ita-transmit sa amin on Tuesday at base sa mga statements ni SP [Senate President Vicente Sotto III], i-convene na yung impeachment court on Wednesday,” sabi ni Gatchalian.
“Kaagad-agad kasi gusto niya, agad eh. Kung gusto niya, immediately i-convene. Although admittedly rin, in Supreme Court nagkaroon na ng ruling na ang discretion ng Senate kung ano ang definition ng forthwith. Basta within reasonable grounds,” dagdag niya.
“So nasa discretion na yan ng body kung gusto nila kaagad-agad or may reasonable grounds naman,” dagdag niya.
Kumpiyansa si Gatchalian na handa na ang Senado na magtipon para sa Duterte impeachment trial lalo na’t naghanda na sila mula pa noong 19th Congress.
“Kung tignan natin yung nangyari in 19th Congress talagang expect na natin na mayroong mga pwedeng ilabas prior to the actual trial, nakita na natin yan. Nagkaroon tayo ng preview ng 19th Congress. Kaya nga nagkaroon ng remand, d iba?” ani Gatchalian.
“Kung matatandaan mo niremand yung articles of impeachment. Ngayon kung ako tatanungin, very clear sa Constitution to try forthwith. So ibig sabihin, ang trabaho ng Senado pag inakyat yung articles of impeachment is to try. At doon magkakaroon ng opportunity ang defense and even prosecution na ilabas yung mga motions, mga gusto nilang gawin. But we need to try because that is very clear in our Constitution,” sambit pa niya.
Trending
- Sharon in-unfollow ng fans
- Mikee Cojuangco, lola na
- Diwata, nag-throwback sa LED Billboard
- Thunder tinalo ang Lakers
- Beermen pasok na sa quarterfinals
- SPD: Higit 300 pulis ipinakalat sa paligid ng Senado
- Supporters ni Dela Rosa sa labas ng Senado, sinita
- Taas-presyo sa gasolina, rollback sa diesel next week
