Lilimitahan ng Senado ang mga miyembro ng media na magkokober sa paghahain ng kampo ni Vice President Sara Duterte ng kanilang tugon sa Articles of Impeachment sa Lunes, Hunyo 1.
Sa dalawang pahinang advisory na inisyu ni Senate Secretary Jose Luis Montales, inatasan ng Senado ang Office of the Senate Sergeant-at-Arms (OSAA) na tiyakin na ang media access ay limitado lamang sa second floor “for security and operational reasons.”
Limitado lamang sa mga opisyal ng Impeachment Court at miyembro ng legal team ng Bise Presidente ang access sa Office of the Senate Secretary na matatagpuan sa 6th floor kung saan doon ihahain ang sagot sa Articles of Impeachment.
Para maging maayos ang media coverage, itinalaga ang Quezon at Tolentino function rooms sa ikalawang palapag bilang ng media holding at coverage areas para sa naturang event.
Sasamahan ang Bise Presidente at miyembro ng kanyang legal team sa mga room na ito para sa kanilang press briefing.
Pinagbabawalan din ang mga miyembro ng media nagsagawa ng interbyu sa hallways, corridors, elevators, stairwells, at iba pang access points sa loob ng gusali ng Senado.
“Given the limited space within the Senate premises and the anticipated number of media representatives, these measures are necessary to ensure safety, facilitate movement, and provide equitable access and accommodation for all concerned,” sabi sa advisory.
“We respectfully seek the understanding and cooperation of all members of the media,” dagdag pa ni Montales.
Trending
- Ginebra isang panalo na lamang para makapasok sa finals
- Eala may wild card sa Homburg Open
- Richard Gutierrez, Gerald Anderson tumitindi ang hidwaan
- Vice Ganda namigay ng kare-kare sa mga street sweeper
- John Lloyd Cruz ipinaranas sa anak na si Elias ang simpleng pamumuhay
- Libreng board, bar exam sa qualified indigents, inihain
- MRT-7, ‘di mababawasan ng estasyon
- Pinakamahabang araw mararanasan sa Hunyo 21 – PAGASA
