tesssssstt

Isang sarhento na miyembro ng Philippine Army (PA) ang natagpuang patay na may tama ng bala sa ulo sa kanilang headquarters sa San Miguel, Bulacan.

Sa ulat ni Lt.Col. Ronnie Albino, hepe ng San Miguel Municipal Police Station (MPS), kinilala ang biktima na si Sgt. Henry Espanola, nakatalaga sa Philippine Army 6th Scout Ranger Company.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na dakong alas-2:35 ng hapon noong Huwebes, natagpuang wala ng buhay ang biktima sa comfort room sa ika-4 na palapag ng retraining barracks ng Philippine Scout Ranger Company sa Barangay Tartaro, sa naturang bayan.

Nadiskubre ang bangkay ng biktima matapos na magpunta sa banyo si Sgt. Junrey Binonggo upang hugasan ang kanyang lunch box at nagulat na lamang siya nang makitang nakausli ang dalawang paa ni Espanola mula sa ikaapat na cubicle ng banyo.

Napag-alamang ang biktima ay may tama ng bala sa ulo at natagpuan ang baril nito na Caliber 45 rock island malapit sa kanyang katawan.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoriad ang motibo sa likod ng pamamaslang ngunit hindi ibinasura ang posibilidad ng pagpapakamatay ng biktima.
Kaagad na hiniling ng San Miguel MPS sa Bulacan Provincial Forensic Unit (BFU) na iproseso ang lugar na pinangyarihan ng krimen.(Dell Gravador)

Share.