Muling ipinagmalaki ng A’TIN ang panibagong milestone ng SB19 matapos kumpirmahing mapapanood sa Disney+ ang inaabangang debut performance ng P-pop Kings sa “Lollapalooza.”
Dahil dito, lalo pang natuwa ang fans ng dahil hindi na nila kailangang bumiyahe pa patungong Chicago para mapanood ang makasaysayang pagtatanghal ng kanilang iniidolo.
Sa pamamagitan ng streaming platform, mas maraming supporters sa iba’t ibang panig ng mundo ang makakasabay sa panonood ng performance ng grupo.
Hindi maitago ng A’TIN ang excitement sa nalalapit na debut ng SB19 sa isa sa pinakamalalaking music festivals sa buong mundo.
Sa sobrang pananabik, marami ang nagsasabing gusto na nilang dumating agad ang araw ng kanilang performance.
Makakasama ng SB19 sa “Lollapalooza” ang ilan sa mga kilalang international artists tulad ng alternative rock band na The Smashing Pumpkins, dance-pop star na si Tate McRae, R&B singer na si Olivia Dean, at marami pang iba.
Nakatakdang umakyat sa Allianz Stage ang SB19 sa Hulyo 31, mula alas-4:30 ng umaga hanggang 5:30 ng umaga (Philippine time).
Ang naturang performance ay inaasahang magiging bahagi ng kasaysayan dahil ang Mahalima ang kauna-unahang homegrown Filipino act na magtatanghal sa Lollapalooza.
=====

Share.
Exit mobile version