Nakikipag-ugnayan ang Philippine National Police (PNP) sa ride-hailing companies at iba pang ahensya upang palakasin ang safety measures para sa mga motorcycle taxi rider kasunod ng dalawang insidente ng pagpatay.
Sa panayam, sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Allan Rae Co na inaalam na ng mga awtoridad ang iba pang pwedeng pagbutihin sa kaligtasan ng mga rider, na kapareho sa itinatakdang hakbang para naman protektahan ang mga pasahero.
“Alam naman po natin, ‘di ba… ang naka-setup na po na system is for the protection of the passengers… with the new trend na nangyari nga po ito nakita po natin na lalo natin palakasin din dapat not only for the passengers but [also for]the riders themselves,” ani CO.
Kabilang sa pinaplanong hakbang ay ang pagberipika sa pagkakakilanlan ng mga pasahero at ilatag ang kanilang legitimacy sa simula pa lamang ng booking process.
“We will be actively participating sa discussion po together with relevant companies and agencies… Ang hinahabol po ng inyong Philippine National Police ay preventive measures at proactive measures, instead of just solving,” sinabi ni Co.
“Sana naman po makita rin natin ‘yun ngang pagpapakalat natin ng kapulisan at ‘yung walang humpay na follow-up ay nagli-lead naman po sa pag-solve ng mga krimen na ito,” dagdag pa nito.
====
Trending
- Charly Suarez pinatumba si Avila sa Round 1
- Spain kampeon sa 2026 FIFA World Cup
- Andrew E, nag-mini concert sa graduation ng int’l school
- Maja, tinuruang lumangoy ang baby
- Blind item, tinumbok: Iza Calsado at asawa
- Parak sapol ng stray bullet sa away 2 grupong Moro
- Pulis patay sa pagresponde sa gulo sa videoke bar
- Ligtas na access sa WPS mahalaga
