SABUNGEROS : 2 UTOL NI PATIDONGAN TIKLO

 

NADAKIP sa ibang bansa sina Jose at Elakim Patidongan, mga kapatid ng whistleblower, at naibalik sa Pilipinas noong Hulyo 22.

Itinuturing silang “missing link” sa imbestigasyon sa pagkawala ng mga sabungero.

Nakita si Jose na nag-eskorta kay Michael Bautista habang nakaposas sa isang sabungan sa Laguna noong 2021.

Si Elakim naman ay nakuhanan ng CCTV habang nagwi-withdraw gamit ang ATM ng nawawalang sabungero na si Melbert Santos.

May dating conviction sa robbery si Jose, samantalang si Elakim ay gumamit ng pekeng pasaporte sa pangalang Robert Baylon.

Inaasahang magpapatibay ang kanilang testimonya sa mga pahayag ni Julie, kabilang ang umano’y pagpatay sa mga sabungero at pagtatapon ng mga bangkay sa Lawa ng Taal.

Samantala, si Brig. Gen. Romeo Macapaz, na namuno sa operasyon para arestuhin ang magkapatid, ay inilipat noong Hulyo 28 mula CIDG patungong Police Regional Office 12.

Ayon sa PNP, ang paglipat ay hindi dahil sa kaso ng sabungero kundi personal na kahilingan ni Macapaz dahil malapit na siyang magretiro at hindi na kwalipikadong ma-promote.

Naunang binanggit ni Justice Secretary Remulla ang ulat na may mga opisyal ng CIDG na pinipilit ang mga pamilya na magsampa ng kaso laban kay Julie—na naging dahilan ng pag-relieve sa isang service director ng CIDG (hindi si Macapaz).

Depensa ng PNP, naging mahalaga ang papel ni Macapaz sa pagkakalocate at pag-aresto sa mga kapatid ni Julie

Share.