Isang pasabog ang pinakawalan ng aktor at dating miyembro ng Hashtags na si Ronnie Alonte tungkol sa kanilang kasal pati na rin sa pagbubuntis ng asawang si Loisa Andalio.
Ayon kay Ronnie, hindi niya inaasahan ang mga nangyari ngunit talagang nakaplano na ang kanilang pagpapakasal mula nang malaman niyang buntis si Loisa ng apat na buwan.
Ang wala lang daw sa plano ay ’yung proposal. Biglaan nga lang daw ito nangyari.
Sabi niya raw sa sarili niya, “parang may kulang, parang mababawasan yung pagkababae ni Loisa kapag ikinasal agad sila nang hindi siya nagpo-propose sa kanyang misis na ngayon na si Loisa.”
Parang lalabas daw na wala siyang respeto rito.
Ngunit kahit parehas silang public figure ay nais pa rin niyang maging pribado ang mga bagay sa kanilang pagsasama gaya sana ng pagbubuntis ni Loisa at ang kanilang kasal.
Kaya naman nagpapirma sila sa lahat ng sangkot sa kanilang kasal ng Non-Disclosure Agreement (NDA).
Pero sa kabila nito, nagulat daw sila ni Loisa dahil lumabas pa rin yung picture ng wedding nila at lumabas din daw yung pregnancy ni Loisa.
At dahil nga nalabag ang kanilang kasunduan ay dinala na ni Ronnie sa legal na proseso ang nangyari.
May sinampahan na siyang kaso sa ilan sa mga dumalo sa kasal nila ni Loisa.

Share.
Exit mobile version