KAHAPON, Abril 21, 2026, tinanggihan ng Office of the Ombudsman ang kahilingan ni dating House Speaker Martin Romualdez na bumiyahe patungong Singapore para sa medical check-up.

Dahilan nito ang umiiral na immigration lookout bulletin na kaugnay ng imbestigasyon sa multi-bilyong flood control project scandal.

Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, hindi maaaring payagan ang biyahe habang nakabinbin ang mga kaso.

 Nakatakdang ihain ang plunder charges laban kay Romualdez at ilang mambabatas sa Mayo 2026.

Sa kabila ng mga paratang, iginiit ni Romualdez na siya ay “self-made man” at handang makipagtulungan sa mga awtoridad.

Gayunman, nananatiling mahigpit ang pagbabantay sa kanyang galaw matapos ang pagkakaaresto kamakailan kay ex-Rep. Zaldy Co sa Prague, na lalong nagpaigting ng panawagan para sa accountability.

 

Share.
Exit mobile version