Nag-donate umano si dating House Speaker Martin Romualdez ng $5 milyon sa kanyang alma mater na Cornell University sa pamamagitan umano ng kanyang fraternity brother na si Atty. Jose Raulito Paras, ayon sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Binanggit ang umano’y donasyon sa supplemental complaint ng Office of the Ombudsman Special Panel of Investigators kaugnay ng mga reklamong plunder, graft, bribery, at money laundering laban kay Romualdez, na nakuha ng Politiko.
Ayon sa reklamo, natuklasan ng AMLC na naglipat si Paras ng P314.35 milyon, o tinatayang katumbas ng $5 milyon, sa Cornell University.
Sinabi ng mga imbestigador na malakas umano ang indikasyon na ginawa ni Paras ang donasyon para kay Romualdez dahil wala itong kilalang ugnayan sa Cornell. Nagtapos si Paras ng abogasya sa University of Sydney.
Nagtapos si Romualdez ng bachelor’s degree in government sa Cornell noong 1985.
Sa parehong unibersidad rin nagtapos ang kanyang panganay na si Tingog Party-list Rep. Andrew Julian Romualdez ng international agriculture and rural development, habang si Tacloban City Councilor Ferdinand Martin “Marty” Romualdez Jr. ay nagtapos ng Bachelor of Science in Global Development.
Bukod dito, tinukoy rin ng AMLC na si Paras umano ang nagsilbing daan sa isa pang $2 milyong donasyon sa Harvard University na iniuugnay rin kay Romualdez.
“Therefore, it is apparent that the remittances to Harvard University and Cornell University appear to be more consistent with expenditures or obligations attributable to Romualdez than to Paras. Hence, it is highly conclusive that the remittances to these institutions were made by Paras for and on behalf of Romualdez,” ayon sa supplemental complaint.
Si Paras ay kapwa akusado ni Romualdez sa reklamong plunder, kasama ang dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co at iba pang respondent.
====
Trending
- Serbian giant bagong armas ng ‘Pinas sa Jones Cup 3-peat bid
- LeBron James pumirma sa Philadelphia 76ers
- Vice Ganda, wagi ng 2 FAMAS Broadcast Awards
- Herlene, nagluluksa sa namatayan ng lolo
- Romnick, ipinagmalaki si Diokno
- Wind Power Project kinasela sa Banahaw
- Impeachment trial nais pang gawing simple
- EU nagkaloob ng 5 million euro security assistance sa Pilipinas
