Pinangalanan ng 18 dating marines sina dating House Speaker Martin Romualdez at Pangulong Bongbong Marcos Jr. na hinahatiran nila ng male-maletang kickback mula sa mga flood control projects.
Humarap sa pagdinig ang 18-ex marines sa imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee na pinangunahan ng Cayetano bloc kung saan si Senator Rodante Marcoleta ang nag-preside.
Sinabi ng ex-marine na si John Butuan na sila ang nagdadala ng mga kickback sa bahay ni Romualdez.
Hindi naman malinaw kung si Pangulong Marcos ang tumatanggap ng kickback subalit nabanggit kanina ang isang bahay sa Ilocos na hinatiran nila ng kickback kung saan nakita pa nila na nakipagpulong pa umano si First Lady Liza Araneta kay dating Cong. Zaldy Co.
Ang mga maletang hinahatid ay small, medium, large.
Ang small na maleta aniya ay naglalaman ng P20 to P25 million, ang medium na maleta ay naglalaman ng P40-P50 million at angn large na maleta na naglalaman ng P50-P70 million.

Share.
Exit mobile version