Idineklara ni Senator-Judge Robin Padilla na isa siyang komunista habang kinukuwestiyon si National Bureau of Investigation (NBI) Regional Director Jeremy Lontoc sa ikalimang araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa pagtatanong kay Lontoc, napunta ang diskusyon tungkol sa background ng mga Romanov kung iginit ni Padilla na ang napakahalaga na maintindahan ang konteksto sa pag-interpret ng “Operation Romanov” na binanggit sa online press conference ni Duterte noong Nobyembre 2024.
“Hindi po ba dapat isipin natin ‘yung Romanov eh tungkol sa threat na pumapasok sa mga pamilya na namumuno dito sa ating bayan na lumalaban sa komunista. Komunista po ako ah. Gusto ko lamang pong alamin ninyo,” sabi ni Padilla kay Lotoc.
Kinuwesitiyon din ni Padilla ang appointment ni Lotoc sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), kabilang ang kanyang kaalaman tungkol sa Islam at sa kasaysayan ng rehiyon.
Sinabi naman ni Lotoc na konti lang ang kanyang kaalaman tungkol sa Islam dahil isa siyang Kristiyano.
Tinanong din ni Padilla si Lotoc tungkol sa reputasyon na siya ay “Golden Boy” ng NBI at kung may kinakaharap itong mga reklamo.
Sinabi naman ni Lotoc na pangkaraniwan para sa NBI agents na makasuhan at iginiit na hindi pa siya nakakatanggap na official complaint mula sa Office of the Ombudsman.

Share.
Exit mobile version