Inilunsad ang “Risa Na!” movement bilang suporta kay Senadora Risa Hontiveros sa posibleng pagtakbong pangulo sa 2028.
Pormal na inilunsad ng Akbayan party-list at mga kaalyadong organisasyon ang kilusan sa University of the Philippines (UP) Diliman nitong Biyernes, Hunyo 5.
Kamakailan inihayag ni Hontiveros na “seryoso” raw niyang pinag-iisipan ang posibilidad ng pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa darating na 2028 elections.
Ang termino ni Hontiveros bilang senador ay magtatapos sa 2028.
Inaasahan namang iaanunsiyo ng oposisyon ang kanilang magiging pambato sa pagka-pangulo sa 2028 elections sa katapusan ng taon o sa unang bahagi ng 2027.

Share.
Exit mobile version