Nasawi ang isang motorcycle taxi rider habang nakapila para sa pagkuha ng P5,000 ayuda o fuel subsidy sa Quezon City Memorial Circle noong Sabado, Abril 18, ayon kay Irene Dumlao, Spokesperson at Assistant Secretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Kinumpirma ng DSWD ang insidente at sinabing nakipag-ugnayan na sila sa pamilya ng rider at magbibigay ng nararapat na tulong, ayon na rin daw sa utos ni DSWD Sec. Rex Gatchalian.
Batay sa mga kaanak ng biktima, hinihinalang inatake sa puso ang nabanggit na rider, na sinabayan pa ng mainit na panahon.
Personal na nakipagkita si DSWD Sec. Gatchalian nitong Linggo, April 19, sa naulilang pamilya ng motorcycle taxi rider.
Ayon kay Gatchalian, bibigyan ng kanilang ahensiya ang pamilya ng tulong para sa gastusin sa ospital, burol, libing at iba pang kinakailangang suporta.
Madaling-araw pa lamang, mahaba na ang pila para sa nabanggit na pamamahagi ng tulong-pinansyal, kaugnay pa rin sa pagsipa ng presyo ng petrolyo dahil sa sigalot sa Middle East.
Trending
- Porzingis, ‘di makakapaglaro sa susunod na Play-In game ng Warrios
- NLEX, nabulsa ang panalo kontra Meralco
- BINI parangalan ng Kamara sa trending performances sa Coachella 2026
- Angel, iwas magpa-picture
- Donny at Maymay, nag-unfollow sa IG; nadamay si Belle
- Multicab grinanada: driver patay
- Mekaniko nagrambo bulagta sa engkuentro; paslit nadamay
- Iligal na gawaan ng paputok, sumabog sa Bocaue
