Nasawi ang 69-anyos na retiradong nars at tatlo ang sugatan nang bumangga ang sinasakyang SUV sa isang poste sa bayan ng Surallah, South Cotabato.
Kinilala ang nasawi sa alyas na “Nina,” biyuda at retiradong nurse, na idineklarang dead on arrival sa Landero Clinic and Hospital.
Sugatan naman ang drayber at dalawa pang pasahero na kinilalang sina alyas “Tino,” 65-anyos; at retiradong empleyado ng gobyerno, at alyas “Diego,” 47-anyos.
Batay sa paunang imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol ang drayber ng sasakyan dahilan upang sumalpok ito sa isang poste sa gilid ng kalsada.
Agad rumesponde ang mga awtoridad upang bigyan ng paunang lunas ang mga biktima at magsagawa ng imbestigasyon sa sanhi ng aksidente.
Patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang kabuuang detalye ng insidente.
Trending
- Pinoy mountaineer, naabot tuktok ng pinakamataas na bundok sa Europa
- Mga atletang makakasungkit ng medalya sa Palarong Pambansa, may cash incentives
- Kathryn, flinex ang damit na may initials na ‘M.A.’!
- Marian at Pia, sanib puwersa kay Heart?
- Bela, nagreklamo sa cliffhanger ng sariling serye
- Pasyente lasog nang mahulog sa hospital building
- 5 na patay sa gumuhong gusali sa Pampanga
- Tatay, 2 anak hinigop ng ilog
