Inihayag ng National Police Commission (Napolcom) na tinanggal na sa serbisyo ang isang pulis kaugnay ng pagkamatay ng kaniyang misis na si Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollenido at kanilang anak na lalaki.
Ayon sa Napolcom nitong Sabado, natuklasan ng Commission en banc na administratively liable si Police Senior Master Sergeant John Mollenido sa grave misconduct, neglect of duty, at conduct unbecoming of a police officer.
Paliwanag ng ahensya, pinahintulutan umano ng pulis ang agarang pag-cremate sa mga labi ng biktima bago matapos ang medico-legal na imbestigasyon, na nagresulta sa pagkawala ng posibleng ebidensiya.
Lumabag umano ito sa mga patakaran at itinuturing na obstruction of justice sa ilalim ng Presidential Decree No. 1829, ayon pa sa Napolcom.
Trending
- Timberwolves at Knicks, umusad sa NBA Playoffs
- NU Nazareth-B, tinalo ang hamon ng UB na maghari sa Shakey’s Division 2
- Jane Oineza nabitin kay Joshua Garcia
- Resort ni Angelica, ginagamit sa scam
- Ronnie Alonte, kinasuhan mga invited sa kasal
- US Embassy nagbabala sa operasyon vs NPA
- DFA binabantayan ang asylum application ni Zaldy Co
- PBBM: Edukasyon, kayamanang hindi mananakaw
