Sumailalim na sa inquest proceedings ang tatlong kapulisan mula sa Baliwag City Police station.
Inireklamo ang nasabing mga kapulisan dahil sa maling tao ang kanilang inaresto.
Ayon sa Police Regional Office-Central Luzon (PRO-3) na nahaharap ang mga ito sa mga kasong physical injuries, unjust vexation, grave coercion, slander by deed at attempted kidnapping.
Inihahanda na rin ng National Police Commission ang kasong administratibo laban sa mga kapulisan.
Magugunitang nilapitan nila ang isang negosyante mula sa Barangay Tangos ng mga nagpakilalang pulis kung saan pinipilit siyang isakay sa isang sasakyan.
Bigla na lamang sila umalis ng malaman na maling tao ang kanilang aarestuhin.
Sinabi naman ni PRO-3 Director Brig. Gen. Jess Mendez na ang pagsasailalim sa inquest proceedings laban sa mga inireklamong pulis ay nagpapatunay na seryoso sila sa pagpapatupad ng paglilinis sa mga kapulisan.
Trending
- Charly Suarez pinatumba si Avila sa Round 1
- Spain kampeon sa 2026 FIFA World Cup
- Andrew E, nag-mini concert sa graduation ng int’l school
- Maja, tinuruang lumangoy ang baby
- Blind item, tinumbok: Iza Calsado at asawa
- Parak sapol ng stray bullet sa away 2 grupong Moro
- Pulis patay sa pagresponde sa gulo sa videoke bar
- Ligtas na access sa WPS mahalaga
