Patay ang isang pulis habang sugatan naman ang kanyang kasamahan nang pagbabarilin ng suspek na kanilang inaresto sa isinagawang drug buy-bust operation sa Sitio Cayutan, Barangay Cagniog, Surigao City noong Mayo 6, 2026.
Kinilala ang nasawing pulis na si Police Staff Sergeant Charito J. Gepulla, 38-anyos, miyembro ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Surigao del Norte Provincial Police Office.
Sa ulat, matagumpay na nahuli ng mga operatiba ang suspek na si Ronron Maturan matapos itong bentahan umano ng ilegal na droga ang isang poseur-buyer na pulis.
Gayunman, habang dadalhin na sana sa presinto ang suspek, bigla umano nitong inagaw ang service firearm ng isa sa mga pulis at pinaputukan si PSSg. Gepulla na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito.
Nasugatan din sa insidente si Patrolman Lesmoras matapos ding pagbabarilin ng suspek bago ito tumakas dala ang baril ng nasawing pulis.
Patuloy naman ang ikinasang hot pursuit operation ng mga awtoridad upang matunton at maaresto ang tumatakas na suspek na haharap sa kaukulang kaso.
Trending
- Kim-Paulo wedding, sa US gaganapin?
- Ceasefire epektibo pa rin kahit nagpalitan ng atake
- 20 katao sugatan sa banggaan ng jeepney, SUV sa Isabela
- Sulfur dioxide emissions ng Bulkang Taal tumaas
- Bus sumalpok sa nakaparadang truck, 4 pasahero sugatan
- 3 miembro ng “Ativan Gang”, timbog
- 3 PMA topnotcher mula sa Batangas
- Pulis patay, 1 sugatan nang agawan ng baril sa buybust ops
