Nasawi sa mga tama ng bala sa ulo ang isang pulis nang pagbabarilin ng ilang ulit ng isang salarin habang nagdarasal sa loob ng isang mosque sa Barangay Uyaan Proper sa Madamba, Lanao del Sur nitong Sabado ng gabi .
Nagsasagawa ng isha, ang panglimang dasal sa Islam bawat araw, si Chief Master Sgt. Alioden Sarangani ng lapitan ng isang lalaking armado ng pistol at agad siyang pinaputukan ng ilang beses sa ulo na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.
Sa ulat nitong Linggo ni Capt. Steffie Salanguit, spokesperson ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, agad na nakatakbo palayo ang bumaril kay Sarangani, sa kalagitnaan ng komosyon sanhi ng mga putok na umalingawngaw sa loob ng mosque, inawang siyang nakabulagta, wala ng buhay.
Ang napaslang na si Sarangani, mula sa isang malaking angkan na Maranao sa Barangay Tungantungan sa bayan ng Madalum sa Lanao del Sur, ay isa sa mga pulis na sakop ng Madamba Municipal Police Station.
Agad na kinondena nila Police Brig. Gen. Christopher Abecia, director ng PRO-BAR, at ni Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, Jr., ang pagpaslang kay Sarangani habang nagdarasal sa loob ng mosque.
Ayon kay Adiong, chairperson ng Lanao del Sur Provincial Peace and Order Council, siya at ang mga municipal officials sa Madamba ay tutulong sa pagkilala sa pumatay kay Sarangani upang masampahan ng kaukulang kaso.
Trending
- Kaso ng dengue bumaba ng 56%
- Pinakamahabang araw ng taon naranasan nitong Linggo
- Pulis binaunan ng bala habang nagdarasal sa mosque
- Barko ng PH Navy binuntutan ng Chinese warships sa WPS
- Habambuhay kulong sa babae importer ng ecstasy
- EALA SEEDED NO.29 SA WIMBLEDON
- EALA DISKARIL SA BERLIN OPEN, SABAK SA HOMBURG
- Gymnast ng Pilipinas handa na sa Asian Championships sa China
