Naglunsad ang Philippine Statistics Authority ng bagong digital system para mapabilis ang pagproseso ng correction sa civil registry documents.
Tinawag itong Administrative Petition for Correction Automated System o APCAS, na layong mabawasan ng hanggang 80 porsyento ang processing time para sa mahigit 150,000 hanggang 180,000 correction requests kada taon.
Saklaw ng sistema ang mga correction na pinapayagan sa ilalim ng Republic Act No. 9048 at Republic Act No. 10172, kabilang ang pagwawasto ng clerical errors, first name, araw at buwan ng kapanganakan, at sex classification.
Ayon kay PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa, layunin ng APCAS na gawing mas mabilis, mas ligtas, at mas maayos ang proseso sa mga local civil registry offices.
Sinabi rin ng PSA na mula sa dating 12 hakbang, anim na lamang ang proseso sa ilalim ng bagong sistema.
Mayroon ding mas mahigpit na security features ang APCAS tulad ng multifactor authentication at secure network para maprotektahan ang personal na impormasyon ng mga aplikante.
Trending
- Kauna-unahang ‘openly gay’ player ng NBA na si Jason Collins pumanaw @ 47
- Pinuri ni Hidilyn Diaz si Delos Santos para sa record-breaking na ginto
- Sexy OOTD ni Barbie, pinalagan ng fans
- Sexy viral pic ni Joshua, gawa ng Al
- Ysabel Ortega, ‘chaka’ ‘pag bagong gising?
- Fuel surcharge ibababa ng CAB mula May 16-31
- PSA naglunsad ng digital system sa correction ng civil records
- Visa-free stay ng turista sa Thailand babawasan
