Uumpisahan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang selebrasyon ng taunang Singkaban Festival sa pamamagitan ng pag-anyaya sa mga Bulakenyo na tangkilikin ang mga lokal na produkto sa Tatak Singkaban Trade Fair 2025 na inorganisa ng Provincial Cooperative and Enterprise Development Office (PCEDO).
Bida sa trade fair ang 50 local Micro and Small Enterprises (MSEs) kung saan maaaring makapamili ng mga produktong natatangi sa mga bayan ng Bulacan. Tatakbo ang trade fair mula Agosto 31 hanggang Setyembre 4, 2025 mula ika-10:00 ng umaga hanggang 9:00 ng gabi.
Nagparating naman ng kaniyang personal na imbitasyon sa mga Bulakenyo si Gobernador Daniel R. Fernando at hinikayat na suportahan ang trade fair dahil hindi lang makikita rito ang husay ng ekonomiya ng lalawigan kundi pati na rin ang gandang pamanang kultural.
“Inaanyayahan ko po kayong lahat na suportahan ang mgaproduktong gawa ng mga Bulakenyo at nang maranasan din ninyo ang sarap ng pamanang bigay ng kultura ng aminglalawigan,” dagdag pa niya.Magpapatuloy naman ang pagdiriwang na ito sa ikalawang bahagi ng trade fair Setyembre 8-14 sa harapan ng gusali ng Regional Trial Court sa loob ng Capitol Compound dito sa Lungsod ng Malolos.(Dell Gravador)
Trending
- 2 TULAK TIKLO
- ALCANTARA NAGTATWA
- Alex Eala nagmarka sa Kasaysayan!
- UP Campus, Kampeon sa Chess sa Quezon City
- EFREN “BATA” REYES YALIN 10-BAll: GALLITO KAMPEON
- SUBSTANDARD SOLAR LIGHTS AT PANELS NASAMSAM SA BULACAN
- TIANGCO TO ABANTE: DON’T SPREAD FAKE NEWS TO DEFEND ZALDY CO
- Produktong Bulacan bida sa ‘Tatak Singkaban Trade Fair’