NAGPALABAS si Education Secretary Sonny Angara ng bagong guidelines kung saan nire-require ang lahat ng pribadong institusyon na nag-aalok ng Senior High School (SHS) ng transisyon o pagpapalit mula sa provisional permits ay magiging formal Government Recognition sa School Year 2027–2028.
Layon nito na palakasin ang ‘quality assurance at accountability’ sa education sector.
Sa ilalim ng DepEd Order No. 12, s. 2026, ang SHSs na nago-operate sa ilalim ng provisional permits ay dapat na mag-secure ng Government Recognition, nagkakaloob ng permanenteng legal na awtoridad na mag-operate at patunay na pagsunod sa Department of Education (DepEd) standards.
Ayon sa Kalihim, tinutugunan ng polisiya ang long-standing regulatory gaps sa private SHS operations na mahigit na sa isang dekada matapos ang implementasyon ng K to 12 program.
“Malinaw ang bilin ni Pangulong Bongbong Marcos: dapat siguraduhin nating dekalidad at maaasahan ang edukasyon ng bawat mag-aaral, saan man sila nag-aaral,” ani Angara.
“Sa pamamagitan ng Government Recognition, mas malinaw ang pamantayan, mas accountable ang institutions, at mas protektado ang learners,” aniya pa rin.
Tinuran pa ng DepEd na ang private basic education institutions na nag-aalok ng SHS account ay pumalo na sa 38% ng lahat ng SHS schools sa buong bansa at kasalukuyang nagsisilbi sa 1.46 million Grade 11 at Grade 12 learners “as of School Year 2024–2025.”
Gayunman, sinabi ng departamento na maraming eskuwelahan ang patuloy na nago-operate sa ilalim ng provisional permits dahil sa kawalan ng malinaw at updated na proseso para makakuha ng pormal na Government Recognition para sa SHS programs.
Sa ilalim ng bagong guidelines, “schools seeking recognition will undergo standardized application, validation, evaluation, and monitoring procedures covering curriculum, school leadership, faculty qualifications, learner support systems, facilities, planning, and financial capacity.”
Sinabi ng DepEd na ang one-year transition period sa panahon ng School Year 2026–2027, pahihintulutan ang mga eskuwelahan na sumunod sa bagong requirements na hindi magagambala ang learner access.
Sa panahon ng transition period, may mga institusyon kabilang na ang Federation of Accrediting Agencies of the Philippines (FAAP)-accredited schools, Private Education Assistance Committee (PEAC)-certified SHSs, and Strengthened SHS Pilot Schools — ay maaaring maging kuwalipikado para sa automatic recognition, iyon nga lamang ay ‘subject to safeguards and evaluation.’
Sa pagsisimula ng School Year 2027–2028, tanging ang mga private SHSs na may Government Recognition ang papayagan na mag-admit o tumanggap ng Grade 11 students sa ilalim ng SHS Voucher Program.
Kasama sa polisiya ang parusa at monitoring mechanisms habang nagbibigay ng learner protection measures, kabilang na ang voucher portability at maayos na transfer arrangements sa oras na ang recognition ay tinanggihan, sinuspinde o binawi.
Sinabi ng departamento na ang reporma ay naka-angkla sa Republic Act No. 10533, or the Enhanced Basic Education Act of 2013, o bumubuo ng bahagi ng Quality Basic Education Development Plan 2025–2035.
Ang mamamahala sa implementasyon ng polisiya ay ang Private Education Office ng DepEd sa pakikipagtulungan sa regional at division offices.
Trending
- Pamilya ni Carlos Yulo, may bagong bahay
- Detroit, hawak na ang bentaheng 2-0 kontra Cavaliers
- Liza Soberano abot ang kasikatan hanggang Japan
- Alvin Aragon umapela sa Senado
- Ryzza Mae niregaluhan sarili ng bagong sasakyan
- P60B excess funds naibalik na sa PhilHealth
- P60B excess funds naibalik na sa PhilHealth
- Private Senior High Schools, kailangan na maka-secure ng gov’t recognition
