Mapipilitan ang grupo ng mga negosyante sa bansa na magtaas ng kanilang presyo ng kanilang produkto dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay Steven Cua, executive ng director ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association, na maraming negosyante na rin ang umaaray dahil sa taas ng transportation para sa kanilang mga produkto.
Ilan sa mga nakikita nilang dahilan dito ay ang patuloy na pagsiklab ng giyera sa Gitnang Silangan ganun din ang paghina ng Peso kontra sa dolyar.
Handa naman silang makipagpulong sa Department of Trade and Industry (DTI) ukol sa plano nilang pagtaas ng presyo ng kanilang mga paninda.
Trending
- Presyo ng ilang pangunahing bilihin asahan na magtataas
- DFA maghahain ng diplomatic protest laban sa China
- Foreign direct investment sa ASEAN, ‘highest level in history’
- P12/L fuel subsidy sinuspinde kasabay ng BSKE ban
- Baste Duterte nais ituring na ‘hostile witness’
- Joint School Safety Task Force, NCRPO tutulong
- 6 tulak, tiklo
- Perpetual nasungkit ang unang panalo sa NCAA basketball
