Sisirit ng mahigit P10 ang presyo ng diesel simula Martes, Hulyo 21, ayon sa Department of Energy (DOE).
Ayon sa DOE, tataas ng P10.68 kada litro ang presyo ng diesel, habang madaragdagan naman ng P3.65 kada litro ang gasolina.
Aakyat din ng P11.77 kada litro ang presyo ng kerosene.
Sa kabila nito, tiniyak ni DOE Secretary Sharon Garin na sapat ang suplay ng langis sa bansa at walang dahilan upang mangamba ang publiko.
“Our fuel supply is sufficient. Inventories remain adequate. Filipinos can go about their normal routines and operations with confidence. Tuloy-tuloy po ang bili natin ng petroleum,” ani Garin sa isang press conference nitong Lunes.

Share.
Exit mobile version