Posibleng magkaroon ng oil price hike sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ito ay dahil sa pagmahal ng langis sa pandaigdigang merkado.
Batay sa pagtataya ng Oil Industry Bureau, Mean of Platts Singapore (MOPS) at foreign exchange averages mula Agosto 10 hanggang 13, maaaring ipatupad ang mga sumusunod na dagdag-presyo:
– Diesel: P3.75 hanggang P4.25 kada litro
– Gasolina: P2.50 hanggang P3.00 kada litro
Ngtulak umano sa pagtaas ng presyo ang walang kasiguraduhan sa kasunduang pangkapayapaan at ang pagkaantala ng paglalayag sa Strait of Hormuz na isang mahalagang ruta para sa suplay ng langis sa mundo.
Dagdag pa rito, nababahala ang merkado sa patuloy na pagbaba ng pandaigdigang imbentaryo ng langis, limitadong suplay mula sa Gitnang Silangan at Black Sea region, at posibleng epekto ng mga sanctions na maaaring magpahigpit pa sa suplay ng krudo.
Bagama’t may mga senyales ng paghina ng pandaigdigang demand at pagtaas ng crude inventories sa Estados Unidos, inaasahan pa rin ang malaking dagdag-presyo sa diesel at gasolina sa susunod na linggo.
Karaniwang inaanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang price adjustments tuwing Lunes at ipinatutupad ito araw ng Martes.
=====
Trending
- Alex Eala bagong brand ambassador ng ‘Tennis The World’
- Australian golfer Jessica Bang pumanaw sa edad na 18
- Barbie, tablado sa Vegas Divorce na hirit
- Music video nina James at Maki, malakas daw ‘makabakla’
- Liza, nag-post nang braless
- 8 huli sa ‘paihi’ sa Batangas
- Meralco kinuwestiyon sa transparency ng kita, system loss charges
- Presyo ng diesel, gasolina sisipa sa susunod na linggo
