Tinanggap ni Pope Leo XIV ang resignation ni Bishop Jesse Mercado, ang kauna-unahang obispo ng Diocese of Parañaque, matapos niyang maabot ang mandatory retirement age na 75.
Inanunsyo ito ng Diocese of Parañaque sa isang social media post nitong Sabado.
Dahil sa pagreretiro ni Mercado, pansamantalang naiwang sede vacante o bakante ang posisyon ng obispo sa diyosesis habang hinihintay ang pagtatalaga ng bagong mamumuno rito.
Bilang pansamantalang tagapangasiwa ng diyosesis, itinalaga ni Pope Leo XIV si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. bilang apostolic administrator.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang Diocese of Parañaque kay Mercado para sa kanyang mahabang paglilingkod sa Simbahan.
“Your shepherd’s heart continues to guide and strengthen our faith. May God bless you abundantly with joy, peace, and good health. We are grateful for you and continue to keep you in our prayers,” ayon sa pahayag ng diyosesis.
Ayon sa ulat ng CBCP News, naordenahan bilang pari si Mercado para sa Archdiocese of Manila noong Marso 19, 1977.
Nagsilbi rin siyang rector ng Pontificio Collegio Filippino sa Roma bago italaga bilang auxiliary bishop ng Maynila noong Pebrero 25, 1997.
Sa parehong taon ay naordenahan siya bilang obispo.
Nagsilbi rin si Mercado bilang chair ng Episcopal Commission on the Laity at Episcopal Commission on Family and Life ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).
Noong Disyembre 7, 2002, itinalaga siya bilang unang obispo ng bagong tatag na Diocese of Parañaque na sumasaklaw sa mga lungsod ng Parañaque, Las Piñas at Muntinlupa.
Si Mercado ang huling nagretiro sa mga unang obispong itinalaga matapos ang reorganisasyon ng Archdiocese of Manila na nagbunsod sa paglikha ng limang bagong diyosesis kabilang ang Cubao, Novaliches, Pasig at Caloocan.
Trending
- Alex Eala kampeon sa Birmingham Open!
- Mahigpit na seguridad ipatutupad sa Game 3 ng NBA Finals
- Imelda Schweighart inamin na buntis nang lumaban sa MGI All Stars
- Aljur, bumili ng diamond ring para kay AJ
- Daniel, ibinida si Kaila sa IG; Grammar ng caption, kinuwestyon
- LINDOL ; HIGIT NANG 30 ANG PATAY
- Sen. Raffy: tawagin na lang ’18 kargador’ ang 18 ex-soldiers
- Sen. Raffy: tawagin na lang ’18 kargador’ ang 18 ex-soldiers

