Naghain na ng reklamo ang isang aspiring police officer laban sa isang police corporal na umano’y nangikil ng P50,000 kapalit ng pangakong makakapasok siya sa Philippine National Police (PNP).
Ayon sa PNP nitong Miyerkoles, nagbigay ng P10,000 cash ang biktima sa pulis na umano’y mula sa Negros Island Region.
Nagpadala pa umano ito ng P40,000 sa pamamagitan ng e-wallet nang alukin ng suspek ng tulong sa kanyang aplikasyon.
Kalaunan, natuklasan ng biktima na walang kapangyarihan ang police corporal na magpasok ng aplikante sa PNP.
Iniulat naman niya ang insidente sa Bacolod City Police Office matapos umano’y hanapin siya ng suspek sa kanyang tahanan.
Nauna nang iniutos ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang masusing imbestigasyon sa kaso at pinasiyasat din kung may iba pang nabiktima ng kaparehong modus.
Muling binigyang-diin ng PNP na walang bayad, backer, o tagapamagitan na kailangan upang makapasok sa hanay ng pulisya dahil ang recruitment ay nakabatay sa merito at tamang proseso.
Sinabi ni PNP Chief Gen. Nartatez, na matapos matanggap ang reklamo, agad na nagsagawa ng imbestigasyon ang kinauukulang unit alinsunod sa umiiral na mga patakaran at proseso upang matukoy ang buong pangyayari.
Kasabay ng imbestigasyon, isinasailalim na rin sa beripikasyon ang lahat ng impormasyon at ebidensyang may kaugnayan sa reklamo.
Isasagawa ang kaukulang administratibo at legal na aksyon kung susuportahan ng sapat na ebidensya ang pagsasampa ng mga kaso laban sa nasabing personnel, ayon pa sa PNP chief.
Trending
- Alas winalis ng South Korea sa AVC Cup
- ‘Military-like’ training ni Baldwin muling lumutang sa pagkalunod nina Baterbonia, Adili
- Carla, ‘happy’ sa honeymoon
- BINI Aiah, nagpaliwanag sa pic nila ni Kyle sa Cebu
- Bela, lalayas na sa serye?
- Jodi, kukuning bridesmaid ng ex-husband
- Rafael Dumlao III lipat New Bilibid Prison
- Police corporal inireklamo sa P50K kotong kapalit ng PNP slot
