Pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang operasyon upang tugisin ang mga “fixer” na mapanamantalang kumukuha ng komisyon o nandaraya sa pamamahagi ng ayuda o cash assistance mula sa gobyerno.
Ito ay bunsod ng mga ulat tungkol sa mga indibidwal na sinasamantala umano ang kasalukuyang krisis sa suplay ng enerhiya at ekonomiya para makapanloko ng mga benepisyaryo.
Noong Martes, Abril 7, nagbabala ang Department of Social Welfare and Development sa publiko hinggil sa kumakalat na scam messages sa mga mobile app.
Ayon sa ahensiya, humihingi ang mga mensaheng ito ng contact numbers kapalit ng pangakong cash aid.
Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, may mga “malisyosong indibidwal” na nanamantala sa hirap ng buhay upang makapangolekta ng personal na impormasyon para sa kanilang mga fraudulent scheme.
Mariing binigyang-diin ni Dumlao na lahat ng serbisyo ng DSWD ay libre at hindi pinahihintulutan ang mga “backer” o fixer na makialam sa proseso ng pagkuha ng ayuda.
Samantala, inatasan na ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez ang mga lokal na pulisya na bantayang maigi ang mga distribution site ng ayuda sa buong bansa.
Trending
- Halos 1000 atleta, sasabak sa PH Athletic Championships
- Ama ni Divine Adili sumisigaw ng hustisya
- Nadine Samonte gigil sa ugali ng ilang flight attendants
- Kaye Abad nagpa-pink ribbon tattoo bilang simbolo ng pag-survive niya sa cancer
- Claudia pinapaalis apelyido ni Dennis Padilla
- Testimonya ng 18 ‘Maleta Boys’ hindi tatayo sa korte – Malacañang
- P50K sahod sa mga Pinoy nurse itinulak
- Chavit, nagpiyansa sa cyberlibel
