Nagtipon ang ilang senador ilang araw bago ang pormal na pagbubukas ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa Lunes, Hulyo 6.
Sa pangunguna ni Senate President Sherwin Gatchalian, ang all-senators caucus ay bahagi ng kanilang paghahanda para sa paglilitis.
Ang iba pang dumalo ay kasapi ng mayorya na sina Senador Panfilo Lacson, Vicente Sotto III, JV Ejercito Risa Hontiveros, Erwin Tulfo, Francis “Chiz” Escudero, at Juan Miguel “Migz” Zubiri, Vicente “Tito” Sotto III.
Dalawa naman sa minorya ang dumalo – Senadora Loren Legarda at Robin Padilla.
“It’s all about impeachment para nasa one page na kaming lahat minority majority,” pahayag ni Tulfo nang makapanayam ng mga reporter.
Hindi umano tinalakay sa pulong ang plunder case na isinampa laban kay Senador Rodante Marcoleta nitong Biyernes.
“No, wala kaming pinag usapan na ibang senator it’s all about impeachment,” ani Tulfo.
“Basta pinag-usapan namin is all about impeachment binigyan kami mga documents to follow yung mga sequencing,” sambit pa niya.
====

Share.
Exit mobile version