Inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec) ang kahilingan ni Naga City Mayor Leni Robredo na isabay sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Nobyembre 2, 2026 ang plebisito para sa pagiging highly urbanized city (HUC) ng Naga City.
Ayon sa Comelec, tanging ang mga rehistradong botante ng Naga City ang maaaring bumoto sa plebisito dahil isa itong independent component city.
Sinabi ni Robredo na makakatipid ang lungsod kung isasabay ang plebisito sa BSKE. Aniya, kung hiwalay itong isasagawa, aabot sa humigit-kumulang P50 milyon ang magagastos.
Batay sa tala ng Comelec, may 119,259 rehistradong botante sa Naga City na maaaring lumahok sa plebisito.
Trending
- Gilas coach Cone nananalig sa All-Filipino crew
- Faney, nag-propose kay Alex Eala
- Bea, mahilig ‘kumalabit’ kay Vincent
- Elijah, kinumpirma ang hiwalayan kay Miles, todo denay na cheater
- Dennis nangalampag
- 5 bayan sa Bulacan, lubog pa rin
- Habambuhay-kulong : Hatol sa drug offender
- Murder suspect nalambat sa Navotas
