https://youtu.be/LJ21OyC2_L4?si=gYGcwjsEMS_-LQF8

www.youtube.com/watch?v=o_QHDsOREdo

www.youtube.com/watch?v=IE8_x9m8Fg8

www.youtube.com/watch?v=V_rv3gy3uKg

www.tiktok.com/@dambrocio1958/video/7535368948196314375

www.linkedin.com/feed/update/urn:li:activity:7358759875104890882/

 

 

DINAMPOT ng mga awtoridad sa United States si Mark Lorenzo Villanueva, 28 taong gulang at isang Filipino national na may green card sa U.S..

Naaresto siya  sa Long Beach, California noong Agosto 1, 2025.

Inakusahan siyang nagpadala ng salapi sa mga indibidwal na umano’y konektado sa grupong teroristang ISIS.

Nagpadala umano si Villanueva ng 12 bayad na may kabuuang $1,615 sa pamamagitan ng Western Union mula Oktubre 2023 hanggang Marso 2024.

Ayon sa mga imbestigador, nagpahayag siya ng hangaring sumali sa ISIS.

Nakatakda siyang humarap sa federal magistrate judge sa Los Angeles.

Share.