Nagbabala ang Philippine Space Agency nitong Huwebes sa publiko kaugnay ng posibleng pagbagsak ng rocket debris sa ilang bahagi ng karagatan sa Northern Luzon matapos ilunsad ng China ang Long March 5 rocket.
Ayon sa PhilSA, inilunsad ang rocket mula sa Wenchang Space Launch Site sa Hainan dakong alas-3:31 ng hapon noong Hunyo 11.
“Expected debris from the rocket launch was projected to have fallen within the identified drop zones (DZ): DZ 1 is approximately 69 NM away from Burgos, llocos Norte, and 94 NM away from Dalupiri Island Cagayan; while DZ 2 is 1 19 NM away from Santa Ana, Cagayan, and 133 NM away from Camiguin Norte. Both drop zones are within the Philippine Exclusive Economic Zone,” pahayag ng PhilSA.
Bagama’t hindi inaasahang babagsak sa lupa o sa mga mataong lugar ang debris, sinabi ng PhilSA na maaari itong magdulot ng panganib sa mga barko, eroplano, fishing boats, at iba pang sasakyang dadaan sa drop zones.
“The possibility of an uncontrolled re-entry to the atmosphere of the rocket’s upper stages returning from outer space cannot be ruled out at this time,” ayon sa PhilSA.
“The Philippines invites international partners to explore how our region can develop coordinated protocols and capabilities that protect both our space assets and our people on the ground,” dagdag nito.
Pinayuhan ng PhilSA ang publiko na agad ipagbigay-alam sa local authorities ang anumang makikitang hinihinalang debris, dahil maaaring may taglay itong labi ng toxic substances tulad ng rocket fuel.
Trending
- South Korea, comeback win laban sa Czechia
- Garcia, Carlsen tabla sa ASEAN Esports Chess Cup
- Dating X-Men actor na si Tyler Mane, may breast cancer
- ‘Tawag ng Tanghalan’ mamamahinga muna – Vice Ganda
- Jeric Gonzales: 50-anyos bebot ipinalit kay Rabiya
- Mayor Magalong hinamon pangalanan ‘90% corrupt’ na kongresista
- Karamihan ng Pinoys, gustong manirahan sa ibang bansa
- 3,500 iskul sarado pa rin sa Mindanao quake
