NAKAMIT ng Perpetual Help ang kanilang unang tagumpay sa NCAA Season 102 men’s basketball matapos katayin ang Emilio Aguinaldo College, 83-72, noong Huwebes sa FiLOil EcoOil Centre sa San Juan.
Angelo Gelsano nagtapos ng 17 points, 10 rebounds, three steals at two assists na ang Altas ay bumangon mula sa kanilang 77-84 pagkatalo sa Letran Knights nakaraang Linggo.
Leobert Casinillo nagdagdag ng 16 points habang si Mark Gojo Cruz at Juan Tulabot umiskor ng tig-15 points.
Rey Maglupay bumakas ng 11 points, kabilang ang triple para makumpleto ang 9-0 run at ibigay sa Perpetual ang 71-61 lead, anim na minuto ang natitira.
EJ Castillo pinamunuan ang EAC sa 19 points, five rebounds at two assists, sinundan ni Harvey Raymundo ng 17 points at two steals at Jude Bagay may 11 points at four rebounds.
“We are preparing for all the games we’ll be playing to be really close contests,” wika ni Gojo Cruz,na mayroon ding six assists at four rebounds.
“We’re grateful that we were able to execute in crunch time what we worked on during practice. We’re thankful for the win, but we hope to keep this going since the season is still long,”dagdag nya.
Trending
- Perpetual nasungkit ang unang panalo sa NCAA basketball
- Jimmy Alapag bukas maging coach ng Gilas Pilipinas
- Joshua Garcia pinuna sa ‘haggard’ look
- Maymay, malakas na ang loob, dumalaw sa puntod ng ina
- Venice, sa ospital nag-bday
- Comprehensive School Safety Framework ikinasa
- Sen. Robin, planong mag-migrate sa Islamic country
- Mahigpit na implementasyon ng waste management
