Pinagbigyan ng International Criminal Court (ICC) Trial Chamber III ang kahilingan ng prosekusyon na i-freeze ang anumang perang nasamsam kay dating Pangulong Rodrigo Duterte nang maaresto ito noong Marso 2025.
Ayon sa dokumentong isinapubliko nitong Biyernes, Hunyo 26, ang desisyon ay kasunod ng hiling ng prosekusyon noong Mayo 1. Hindi pa malinaw ang eksaktong halaga ng perang umano’y nakuha mula sa dating pangulo.
Samantala, humiling din ang prosekusyon ng akses sa iba pang mga gamit na nasamsam mula kay Duterte.
Bagama’t hindi tinututulan ng depensa ang pagsusuri sa ilang nakumpiskang kagamitan, kinuwestiyon ni defense counsel Peter Haynes ang pag-askes sa mga susi na nasa kustodiya ng ICC Registry.
“The request is, in substance, a fishing expedition. The prosecution advances no evidential basis connecting the keys either to the commission or furtherance of the alleged crimes or to any assets that may be relevant to the investigation,” ani Haynes.
“The basis of such a request must exist before the investigation is undertaken, not emerge as a result thereof. The prosecution cannot be permitted to examine the keys in order to articulate, post facto, the evidential foundation required to justify that examination in the first place,” dagdag pa nito.
Hiniling naman ng depensa sa prosekusyon na magsagawa ng naaangkop na hakbang sa paglimita ng mga personal na impormasyon ni Duterte o ng kanyang pamilya, at agad itong burahin o permanenteng alisin kung hindi kailangan sa imbestigasyon.
Trending
- Mommy ni Eman Bacosa: ‘Malinis ka maglaro at ‘di madaya
- Coach Chot Reyes ‘very good coach’ ang pagkakakilala kay Tab Baldwin
- Pops Fernandez nagreak sa kanyang estatwa
- Catriona Gray trending sa Thailand
- Piolo Pascual ‘tinuka’ si Arci Muñoz
- DOT, naglunsad ng discounted travel deals para sa lokal na turismo
- Ikalawang dagdag-toll sa SLEX, STAR, ipatutupad sa Hulyo 1
- Proseso sa pagpapalit ng mga konsyumer ng supplier ng kuryente hiniling paikliin
