Pasok sa 83rd Venice International Film Festival ang pelikulang prodyus ni Lovi Poe.
Sa ilalim ng kanyang C’est Lovi Productions, ito ‘yung Makikiraan Po (Let Us Through, Dear Ancestors) directed by Lav Diaz.
Magkakaroon ito ng world premiere sa September.
Ani Lovi: “Grateful to everyone who helped bring this story to life!”
Kabilang sa cast ay sina Yul Servo, Ronnie Lazaro, Rafa Siguion-Reyna at iba pang Filipino actors.
Samantala, hindi pa din limot ng publiko ang Mokang character ni Lovi sa FPJ’s Batang Quiapo.
Mokang pa din daw ang tinatawag sa kanya wherever she goes.
“Talagang it makes me go back in time. I really had the best time. I enjoyed every single moment with Coco,” ayon kay Lovi.
Sa ngayon, maaari nang mag-guest man lang ang actress-producer sa Sigabo.
Samantala din, todo-puri si Star Magic chief Lauren Dyogi kay Lovi.
Ani Lauren: “She represents ‘excellence!”
‘Yun ay dahil sa dami ng talento meron si Lovi.
===
Trending
- Quezon Huskers nakiisa sa panawagan vs game fixing sa MPBL
- EJ Obiena kampeon sa pole vault meet sa Germany
- Angelica at Bela, ‘friendship over’ na?
- Hater ni Ashtine Olviga, kakasuhan ng Viva
- Pelikulang ni Lovi, pasok sa 83rd Venice Filmfest!
- CHED maglalaan ng P120M para sa pagsuporta ng student innovators
- Baseline ng Pinas sa Bajo de Masinloc, tinutulan ng China
- Prosekusyon naghanda ng 13 witnesses
