Plano ng Philippine Coast Guard (PCG) na bumili ng hindi bababa sa 56 pang barko sa loob ng limang taon para palakasin ang maritime security at presensya sa West Philippine Sea (WPS), ayon kay Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan nitong Biyernes, Mayo 29.
Sa Kapihan sa Manila Hotel forum, sinabi ni Gavan na nakabatay ang estratehiya ng PCG sa West Philippine Sea sa tatlong pangunahing haligi: maritime domain awareness and response, coastal state administration, at international cooperation.
Layunin ng PCG na palakasin ang pagpapatupad ng batas, maritime patrols, at consistent na presensya sa WPS.
Sinabi ni Gavan na kamakailan lang ay nagtatag ng Coast Guard district sa Pag-asa Island.
Idinagdag din niya na mas pinatitibay ng Coast Guard ang kooperasyon sa mga kaalyado at kaparehong bansa, kabilang ang United States, Japan, Australia, at iba pang ASEAN partners.
Patuloy ang tensyon habang inaangkin ng Beijing ang halos buong South China Sea na sakop ng teritoryo ng Pilipinas na kalaunan ay pinalitan ng pangalan bilang West Philippine Sea.
Tumutukoy ang West Philippine Sea sa mga karagatang nasa kanlurang bahagi ng kapuluan ng Pilipinas kabilang ang Luzon Sea at ang mga karagatan sa paligid, sa loob, at katabi ng Kalayaan Island Group at Bajo de Masinloc.
Noong 2016, pumabor ang Permanent Court of Arbitration sa The Hague sa Pilipinas laban sa pag-aangkin ng China sa South China Sea, at sinabing “walang legal na batayan” ang claim nito.
Hindi naman kinikilala ng China ang naturang desisyon.
Trending
- NCR, lumaki pa ang lamang sa mga katunggali sa Palarong Pambansa; 20 golds na ang bitbit
- 15-anyos na Pinoy nambasag ng world record sa speedcubing
- Matteo, bumisita sa Pag-asa Island, nakipag-boodle sa mga sundalo!
- Anak ni Dennis, naaksidente
- PBBM, tutol sa online voting ng mga senador
- Villafuerte brothers umapela sa Senado na ipasa bagong building code
- Pagkalat ng Ebola sa DR Congo maaaring mapigilan – WHO
- PCG planong bumili ng 56 dagdag na barko
