ANG Unang Ginang Liza Marcos ay bumisita sa Saudi Arabia kaya’t hindi makakasama ni Pangulong Bongbong Marcos sa United States.
Si Araneta-Marcos ay nasa isang opisyal na pagbisita sa Saudi Arabia mula Hulyo 17 hanggang 20, kaya’t hindi siya makakasama ni Pangulong Marcos Jr. sa nakatakdang biyahe nito sa Estados Unidos ngayong buwan.
Kabilang sa pangunahing aktibidad sa Saudi ng pakikipagkita sa mga overseas Filipino workers (OFWs).
Paglulunsad ng OWWA Serbisyo Caravan.
Pagbisita sa mga silungan para sa mga kababaihan at batang Pilipinong nasa krisis.
Kinumpirma ito ni Palace Press Officer Claire Castro sa isang briefing, at binigyang-diin na nakatuon ang Unang Ginang sa pagbibigay suporta sa mga Pilipinong komunidad sa ibang bansa, lalo na sa mga nasa mahirap na kalagayan.